Batanes (Movie)
Nang makilala ni Pam (Iza Calzado) si Rico (Joem Basco), isang Ivatan, ay pinili niyang iwan ang Maynila at manirahan sa Batanes kasama ang minamahal. Sa kasamaang palad, isang araw ay hindi na muling nakabalik pa si Rico mula sa pangingisda at ang insidenteng iyon ay labis na nagpalungkot kay Pam, isang rason na rin upang tuluyan na niyang kamuhian ang dagat.